Paano gumawa ng origami?
Sa simula, isang malinis na papel lamang ang ating makikita. Wala pa itong tupi o kahit anong nabubuong anyo. Gaya ng buhay natin, nagsimula lamang tayo gaya ng isang malinis na papel, hindi pa nalilikha at natatag ang buong pagkatao.
Ngayon, ilang tupi ang uumpisahang gawin. Sa simula, hindi natin lubos na mauunawaan kung para saan itong mga tuping ito. Hindi natin alam kung ano ang halaga ng mga tuping ito sa kalalabasang “origami”, sapagkat sa unang tingin, ito lamang ay mukhang ordinaryo at pangkaraniwan. Sa buhay natin, ang mga tuping ito ay sumasagisag sa bawat pangyayari sa ating buhay. Madalas hindi natin alam ang silbi o rason sa likod ng mga nangyayari at nagaganap na mga insidente sa ating buhay.
habang ginagawa ang origami, kung minsan, nagkakaroon tayo ng mga problema sa pagtutupi dahil habang tumatagal, nagiging komplikado at teknikal na ang mga binubuong tupi. Hindi maiiwasan na mahirapang gawin ang mga tupi ito, at dahil dito, madalas nawawalan tayo ng gana at motibasyon ipagpatuloy ang ginagawang “origami”, kaya kadalasan, hindi na ito ipinagpapatuloy. Subalit, para sa mga taong gustong sumubok muli, kumukuha sila ng panibagong papel upang ulitin ang proseso at umaasang maitatama ang pagkakamali at mauunawaan muli ang mga hakbang sa paggawa. Kagaya sa buhay natin, madalas tayong sumusuko dahil sa mga problema’t pagsubok na kinakaharap natin. Pero para sa mga taong matapang at matibay ang loob, nagpapatuloy pa rin sila, o di kaya naman ay nagsisimulang muli.

Matapos gawin ang bawat tupi, matapos dumaan sa napakaraming pagsubok at pangyayari sa buhay, ito na ang bunga ng paghihirap at pagsisikap: ang isang magandang “origami”, na sumisimbolo sa buhay na pinatatag at pinaganda ng mga “tupi” o pangyayari, naging madali man o mahirap mga ito. At sa huli, ating mauunawaan na ang bawat kaganapan, maliit man o malaki, sa ating buhay ay may halaga’t saysay sa paghubog ng ating pagkatao at sa pagkamit ng bungang ito!

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento